Page 107

73 3 4
                                    


Page 107 Thursday

Tang ina ito na nga!!! Bwisit! Nagpunta ba naman si Cecilia rito kanina tapos sinusundo niya ako. Pumasok daw ako at sabay na kami. Ilang minuto ko nga siyang pinaghintay sa sala kanina. Parang hindi ko siya kayang harapin.

Nang makapagbihis na ako. Bigla siyang tumayo sa harap ko at inayos ang kuwelyo ko. Nakangiti naman siya. 'Yong mga ngiti talaga na 'yon ang parang kahinaan ko.

"Bakla siya. Pinilit ko siyang dikitan ako para pagselosin ka. Ang torpe mo kasi, e."

'Yan. Ganyan ang pagkakasabi ng bruha.

Sa isip-isip ko. "Pake ko?"
Pero mas lalo akong nawindang no'ng sabihin niyang,

"Gusto kita."

Agad na nagsalubong ang kilay ko kanina at tiningnan siya nang masama. Bulag ba 'to? Ano bang problema niya? Naririnig ba niya ang sinasabi niya? Kung ikukumpara ako sa ex niya, tang ina, hinliliit na daliri lang ako ro'n.

Kaya naman, umalma ako. Pa-choosy ako, e. Gusto ko makasigurado na hindi niya ako ginu-good time.

"Naka-drugs ka ba? Sa ganitong mukha? Magkakagusto ka? Gago ka ba o sadyang gago ka lang? Trip mo ko, Cecilia? Ano ba pakay mo sa akin, ha? Ano?"

Akala ko iiyak siya o biglang aalis na naman. Pero, ngumiti lang.

"Gusto kita kasi napapasaya mo ko. Physical appearance is not important. Ang mahalaga, masaya ako sa 'yo. Tsaka, gago ka rin. Hindi ka naman pangit. Hindi ka lang talaga maputi. Guwapo ka. Kumpyansa sa sarili lang ang kailangan mo para ma-appreciate mo kung ano ka."

Basta ganyan ang pagkakasabi niya. Binibola pa ako nitong babaeng ito. Si Mama nga hindi ako masabihan ng guwapo, e.

Hanggang sa magpunta kami sa school hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Parang may nakabarang malaking buto ng mangga sa lalamunan ko. Pero ang labis ko talagang kinabigla at muntik na akong himatayin, hinalikan niya ako sa labi bago ako bumaba ng jeep kanina. Tang ina ang korni ko na pala. Letseng 'yan. Kasalanan 'to ni Cecilia, e. Hindi na cool si Paul Martin, baduy na, baduy!

Ngayon, hindi ko alam kung makakatulog ako. Magtititigan na naman kami ng kisame. Pero aaminin ko, parang ngayon ko lang ulit naramdamang sumaya... gago kasi si Cecilia.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon