Page 3 Friday
Nakabili na ako ng susuotin ko. Nakaka-badtrip nga kanina 'yong sales lady, pinipilit niyang iba ang bilhin ko e ito nga ang gusto ko. Hindi raw kasi bagay sa akin itong napili ko. Ba't ba mas marunong pa siya, siya ba susuot? Epal. Muntikan na akong ma-high blood kanina.
Sinukat ko na rito sa bahay itong coat ko. Kulay black ito siyempre tapos may kurbatang white. Buti na lang talaga may pera si Mama kaya ako nakabili ng mga susuotin ko. Mukhang binigyan yata siya ng kabit niyang kupal.
Ang pogi ko sa suot ko basta huwag lang titingin sa mukha. Isa akong hipon. Sa katawan ka lang mag-e-enjoy. Sa mukha, nevermind.