Page 115

78 3 1
                                    


Page 115 Sunday

Nagsimba si Cecilia kanina. Hindi ako nakasama. Masama pa rin kasi ang pakiramdam ko. Wala akong ginawa ngayong araw kundi mag-isip ng pakulo para sa kanya. Naisip ko lang kasi na tang ina, naging kami ni Cecilia nang hindi man lang ako nahirapan. 'Yong mga gano'n mukha, dapat pinagsasayangan talaga ng oras kahit gago 'yon. Sabi ko sa kanya, huwag muna siya rito pupunta. Madi-distract kasi ako. Tsaka sinabi ko naman na sa kanyang okay na ako kahit hindi pa naman.

Kung gawan ko na lang kaya ng tula si Cecilia tutal mahilig siya sa gano'n? Kaso hindi ko trip 'yon. Gawan ko siya ng scrap book? Kaso ano naman ang ilalagay ko? Wala pa nga kaming picture na magkasama. Pero okay lang din naman kahit pagmumukha na lang niya lahat ilagay ko ro'n tutal mukha lang naman niya ang may karapatang ibalandra. Bahala na. Tang ina kasi hindi rin naman ako marunong kumanta.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon