Page 109

78 3 5
                                    


Page 109 Saturday

September 14, 2015
Kami na raw sabi niya. Tandaan ko raw ang date na 'yan. Kasi raw kapag October 14 na monthsary na namin. Tang ina kami na agad? Hindi pa ba ako manliligaw? Nang tanungin ko siya bakit ang bilis, sabi niya, huwag na raw paligoy-ligoy pa. Patay na patay sa akin ang gagong 'yon. Baka raw maagaw pa ako. Feeling ko tuloy napakapogi ko.

Magka-text kami kanina. At hanggang ngayon, napapangiti na lang ako kapag binabasa ko ang I Love You mula sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na ngumiti. Ganito pala ang pag-ibig. Nakakatangina. Nakakabaduy. Nakakabuang. Nakakabaliw. Pero iba ang feels. Ang sarap. Ang saya maramdaman na masaya na ako ulit matapos ang maraming taon na pagkukulong sa mundo ng pag-iisa. Hindi ko na namamalayan na unti-unti na akong binabago ng pag-ibig. Dahan-dahan niya akong inaakay papunta sa liwanag. Ulul, gago ka Paul! Baduy mo! Pangit mo ma-inlove!

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon