Page 53 Tuesday
Hindi ako umiimik kay Cecilia kanina. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bigla akong nailang. Bakit ganito? Dapat wala akong pakialam sa kanya, e. Anong nangyayari sa akin? Affected ako? Letse. Hindi ito puwede. Ayoko! Dapat maibalik ko ang dating ako na walang pake sa paligid. Anong ginawa sa akin ni Cecilia at bakit ako nagkaganito.
Natapos ang klase namin. Agad akong umuwi. Hindi ko na siya hinintay. Text siya nang text sa akin pero hindi ako nagre-reply.