Page 60

101 6 7
                                    


Page 60 Monday

Hayahay na naman ang buhay. Nagpadala na ng pera 'yong tatay kong feeling Jack ng titanic dahil sa barko na nakatira. Binigyan din ako ng allowance ng nanay kong jumper, mahilig kasi makikabit. Bahala sila sa mga buhay nila, basta ako masarapa ang buhay. Malapit na ko magtapos ng college. Malapit na akong magkaroon ng sariling pera. Kapag nangyari 'yon, puta, bibilhan ko si Papa ng babae. Para fair.

Okay na sana, e. Kaso kanina, nakita kong may kasagutang babae si Cecilia sa harap ng room nila. Tumayo lang ako sa gilid at nanood pero napansin ako ng babae. Sabi ba naman o,

"Nandiyan na 'yong pangit mong boyfriend!"

Siyempre nagpantig ang tainga ko.

Unang-una, hindi ako boyfriend ni Cecilia. Pangalawa, pangit ako pero bakit kailangan pang sabihin? Kaya hindi ako nakapagpigil. Lumapit ako kay Cecilia. Binuweltahan ko 'yong babaeng akala mo ubod ng ganda pero puro lang naman make-up.

"Huy, tang ina mo ka, wala kang pakialam kung pangit ako. Feeling mo maganda ka? 'Di hamak na mas maganda naman sa 'yo si Cecilia. Tanggalin mo 'yang make-up mong kasing kapal ng encyclopedia. Sa ugali at sa mukha mong 'yan, kahit pangit magiging choosy kapag nakasama ka sa isang kuwarto, ulul!"

'Yan ang sabi ko. Nanlaki mata niya, e. Hinawakan ko si Cecilia sa kamay at hinila siya palayo ro'n. Iniwan namin silang laglag ang mga panga. Tawa naman nang tawa si Cecilia. Parang tanga talaga. Nalaman ko na papel lang naman pala ang ugat ng pinag-awayan nila. Nalaglag kasi 'yong test paper no'ng babae tapos natapakan ni Cecilia nang hindi sinasadya.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon