Page 19 Monday
Naglalakad ako sa hallway nang may tumawag sa akin na "Kuya Panyo."
Paglingon ko, siya na naman. Papansin siya sa akin. Balak niya yata akong landiin o gawing rebound dahil wala na siyang boyfriend. Pero malabo, masyado akong pangit para sa magandang tulad niya.Nakipagkilala na siya kanina. Cecilia raw ang pangalan niya. Gusto niya raw makipagkaibigan. Ang sabi ko naman ayoko. Mas gusto kong mapag-isa. Pero ang kulit niya. Hindi niya ako tinantanan kaya nasabi ko nang wala sa oras ang pangalan ko.