Page 66

88 7 1
                                    


Page 66 Sunday

Sobra akong na-surprise. Hindi ako ang may birthday pero ako ang na-surprise. Kaya pala sabi niya tahimik lang ang birthday niya ay dahil sa simbahan kami pupunta. Wala talaga akong balak sumama kung hindi lang siya nagpunta rito sa bahay at nag-iiyak. Pinilit niya ako nang pinilit. At no'ng sabi ko siya na lang, umiyak ba naman. 'Yong iyak na walang sounds pero maraming luha. Iniwan ko nga siya kanina sa pinto, mga 30 minutes siguro akong nagkulong sa kuwarto. Paglabas ko, nandoon pa rin sa pinto. Umiiyak pa rin. Sabi niya, wala raw siyang ibang kasama mag-celebrate kundi ako lang. Gusto niya lang talaga mag-simba kasama ako.

Sa kasamaang palad. Nakumbinsi niya ko. Nang pumayag ako, kulang na lang mag-breakdance siya sa sobrang tuwa. Niyakap niya ko sabay thank you nang thank you. Ayaw ko talaga pumasok ng simbahan, pakiramdam ko kasi hindi kami close ng diyos, pero dahil dito sa gagang ito, nagsimba akong muli matapos ang halos sampung taon.

Hindi ko alam. Nababaliw na yata ako. Bakit ako pumayag. Wala akong alam. Basta no'ng makita kong umiiyak si Cecilia, wala akong ibang naisip kundi ang ma-enjoy niya ang birthday niya. At tang ina, ayon, pag-uwi namin ang saya-saya niya. Inaasar pa ako na marunong na raw ako magsimba. Sabunutan ko nga saglit.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon