Page 113 Friday
Dalawang araw rin akong walang paramdam sa letseng diary na ito na puro si Cecilia lang naman ang laman. Inaasikaso ko na kasi 'yong walang kamatayang thesis. Nakakatamad ng isulat ang mga nangyari nitong nakaraan. Masyado nang piga ang utak ko. Basta ang pinakanatatandaan ko lang, ang possessive ng gaga. Kahapon nagalit sa akin, huwag daw ako kakausap ng babaeng hindi niya kilala. Nakita niya siguro 'yong pag-uusap namin ni Joyce. Kaklase ko. Tang ina paano ko hindi kakausapin 'yon e groupmate ko 'yon sa thesis. Ayon, inaway-away ako, e. Hahaha.