Page 73 Friday
Letse! Five days akong walang sulat dito! Paano ba naman, naitabi ni Mama itong diary ko sa kung saan tapos nakalimutan niya. Naiwan ko kasi itong notebook sa lamesa no'ng Sunday.
Sa wakas, masusulat ko na rin 'yong nangyari kanina. Sinampal lang naman ni Cecilia 'yong ex niyang pinipilit siyang makipagbalikan. Bakat kamay ng lokaret sa mukha no'ng gago, e. Take note, magkasama kami ni Cecilia kanina no'ng maganap ang eksena. Ang sama nga ng tingin sa akin ng lalaki. Yabang, porke guwapo, kung tingnan ako para akong tae. Nagkatinginan lahat ng estudyante sa tapat ng gate
kanina. Sa ibang school pala 'yon nag-aaral, e. Kupal siya. Ngayong naka-move on na si Cecilia saka siya manggugulo? Ano siya boss? Kung kailan niya gustong balikan, babalikan niya? Gago rin, e ano? Natuwa naman ako kay Cecilia kanina kasi pinamukha niya roon na kaya niyang wala 'yong ex niyang salot. Umuwi kami ni Cecilia kanina nang laughtrip. Oo, tang ina, natawa ako sa ginawa niyang pagsampal kasi muntik nang maiyak 'yong ex niya.