Page 111

74 2 4
                                    


Page 111 Monday

Hindi ko siya pinilit na sagutin ako kahapon pero sinabi niya iyon sa text kanina. At ang sagot niya, virginity. Hindi ko na-gets sa unang basa ko. Hindi na kasi siya nagre-reply kanina hanggang sa makauwi kami. Ni hindi niya rin ako sinabayan sa pag-uwi, may group study na naman daw ang mga gago.

Pag-uwi ko, doon ko lang na-realize ang nais niyang sabihin. Nakikipag-break siya dahil ayaw niyang gawin ang gustong mangyari ng mga ex niya. Same issue sa apat na mga putang inang mga 'yon. Niyayaya siya ng mga gago kahit sinasabi naman niyang hindi pa siya ready sa gano'ng bagay.

Nakaramdam ako ng galit. Tang ina ng mga 'yon, a. Mga fuckboy nga. Kaya siguro hindi ako hinarap ni Cecilia ay dahil nahihiya siya sa akin. Gaga rin 'yon, e. Anong tingin niya sa akin. Sampalin ko 'yon bukas.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon