Page 27 Tuesday
Bigla akong binigyan ni Cecilia ng chocolate. Wala naman talaga akong balak kainin 'yon dahil hindi ko rin naman tatanggapin. Pero palihim niyang inilagay 'yon sa bag ko. Pag-uwi ko, saka ko lang nalaman. Bago ko kainin, todo desisyon ako. Ayaw ko talagang natanggap ng kahit ano sa kahit sino. Pero wala akong nagawa, natakam ako, e.