Page 25

94 11 3
                                    


Page 25 Wednesday

Masaya akong pumasok kasi wala nang natilaok na manok sa lugar namin. Pagpasok ko sa room, wala pang tao dahil maaga pa. Ilalabas ko na sana 'yong diary kong nang maramdaman kong may tao sa pinto.

Si Cecilia na naman. Nakangiti siya. Sabay lapit sa akin.

"Hi!" sabi niya.

Kukulitin na naman ako nitong babae na ito. Parang ang bilis niyang maka-recover sa mga sinabi ko. Manhid siguro ang gagong ito.

"Kailangan mo?" tanong ko.

Ngumiti lang siya. Bigla akong tumayo at iniwan ko siya ro'n. Pero sumunod pa rin. Para siyang langaw. Kung nasaan ang tae nandoon din.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon