Page 15 Monday
Kumakain ako sa canteen nang may lumapit na babae. Maaliwalas na ang pagmumukha niya kumpara no'ng una ko siyang makita sa kubo-kubo. Umupo siya sa harap ko. Ibinalik niya ang panyo ko.
"Salamat sa panyo mo," sabi niya.
"Sa 'yo na 'yan. No need ibalik."
Nilawayan at siningahan na niya tapos ibabalik niya pa? Kadiri.
Hindi ko siya kinakausap kahit pa salita siya nang salita tungkol sa kung ano-ano. Hindi pa talaga siya nakatiis, sinabayan niya akong kumain. Nawalan tuloy ako ng gana kaya hindi ko na inubos ang order ko.