Page 105 Tuesday
Nakaakbay na naman 'yong lalaking umaaligid kanina kay Cecilia. Break time namin, pagpasok nila sa canten tapos gano'n agad ang bungad sa akin. Siyempre nag-react ako. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at tumayo ako. Tinanggal ko 'yong kamay ng lalaki sa balikat ng gaga. Nagulat silang lahat nang hilahin ko palabas ng canteen si Cecilia. Tang ina kasi, e. Naiinis ako.
Paglabas namin, halata sa mukha ni Cecilia na naguguluhan siya na may halong inis. Binitiwan niya ako. Sabay sabing,
"Ano bang problema mo?"
Sumagot ako gamit 'yong famous line sa mga pelikula.
"Ikaw ang problema ko."
Ewan ko. 'Yan ang unang lumabas sa bibig ko kanina, e. Basta hindi ko napigilan ang sarili ko.
Hindi siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na parang hinuhulaan ang sasabihin ko.
Sa nakakagagong dahilan, bigla kong nasabi ang isa pang linyang naging mitsa ng buhay ko. Oo, ngayon ko lang na-realize na para akong mamamatay no'ng sabihin ko 'yon.
"Tang ina ka. Ayokong may dumidikit sa 'yong ibang lalaki."
At nagtanong pa talaga siya ulit. Kung hindi ba naman tanga.
"Ha? Bakit?"
"Nagseselos ako. Parang gago naman, e. Manhid ka bang gaga ka?"
Pagkatapos kong magsalita, bigla siyang ngumiti. At napansin ko na lang kanina na nasa likod na niya 'yong mga kaibigan niya, kasama 'yong lalaki. Nagpalakpakan sila kanina, e. No'ng una, clueless ako.
"Talaga?" Lalong lumapad ang ngiti niya no'ng mga sandaling 'yon.
Lalo akong nainis kaya nag-walk out ako. Ang bilis ng lakad ko. Habang sila ro'n, nag-a-ayie. Mga gago amputa. Kainis. Mukhang naisahan ako ni Cecilia. Letse! Napaamin ako!