Page 149 Thursday
Wala akong ibang magawa kanina kundi ang pagmasdan na lang ang mga larawan ni Cecilia. Mamatay na ba ako? Feeling ko lang. Nanghihina na kasi talaga ako, pinipilit ko na nga lang magsulat dito, e. Pinapakinggan ko rin ka rin ang mga voice record ni Cecilia. Kahit napapangiti ako, hindi ko maiwasang masaktan. Hindi pa ako handa mawala. Gusto ko pang mahalin si Cecilia nang matagal. Gusto ko pa siyang alagaan. Gusto ko pa siyang samahan sa mga problema niya. Pero, anong magagawa ko kung six months na lang daw ang itatagal ko sabi ng doktor. Kulang ang six months Lord! Please. Ayoko siyang iwan nang mag-isa.