Page 110 Sunday
Nagsimba kami kanina. Oo. Pumayag ako. 'Yon ang ikalawang pagkakataon na nagsimba ako kasama siya. Ayaw ko talaga no'ng una. Pero ang sabi niya, kailangan ko raw makilala si Lord. Sa kanya ko raw ipaubaya lahat ng problema ko sa buhay at siya na raw ang bahalang gumabay. Pinakinggan ko siya kaya napapayag niya akong sumama sa kanya. Sinubukan ko namang tumanggi, pero parang may parte ng utak kong nagsasabing subukan kong alamin kung anong meron sa pagsisimba. Umuwi kaming dalawa na feeling blessed daw. Ang saya-saya niya nga, e. Kasi sa buong buhay niya raw ako pa lang daw ang unang lalaking sinamahan siya sa simbahan. Natuwa ako nang malaman ko 'yon. Parang ang saya ko lang kasi ako ang nakagawa ng bagay na gusto niya na hindi pa nagawa ng iba. So, ano palang silbi ng apat niyang naging boyfriend? Mga fuckboy siguro ang mga 'yon. Oo, apat ang naging nobyo niya bago ako. Kapag tinatanong ko siya kung ano ang dahilan ng break up, umiiwas siya sa topic. Hindi naman ako mapilit kaya wala na akong pake ro'n. Ang mahalaga, napasaya ko siya ngayong araw.