Page 112 Tuesday
Wala nang salita-salita. Niyakap ko siya agad kanina kahit nasa gate pa lang kami. Mahigpit. Gusto kong durugin ang buto niya sa higpit ng pagkakayakap ko. Sandali siyang bumitaw at tiningnan ako nang nagtataka. Ang ganda ba naman ng bungad ko, e. Wala siyang clue kung bakit ko ginawa 'yon? Ang tanga naman.
"Kukunin ako ni Lord kahit hindi pa ako ready, pero hindi ko kukunin 'yon hangga't hindi ka pa ready. Altar muna bago kama."
Sinabi ko 'yan sa kanya kanina habang maghakarap kami. Bigla siyang naiyak. Niyakap ko siyang muli. Gusto kong iparamdam sa gagang 'to na safe siya sa akin. Nakakapikon na kasi nararamdaman kong nagiging cheesy na ako, pero, parang wala na akong pake ro'n. Ang mahalaga masaya kami.
Pumasok kami ng school. Ako ang unang humawak ng kamay niya kahit pa halos lahat ng mata ng nadadaanan namin ay nakatutok sa amin. May isa pa ngang nagtanong kung kami na raw, tang ina sagutin ko nga,
"Pake mo?"
Tahimik siya, e.
'Yong mga kaklase ko nagtataka na sa akin. Parang hindi na raw ako 'yong dating Paul Martin. Pansin ko rin 'yon. Pero, sa bagong Paul Martin ako parang mas nakakahinga nang maluwag kahit pa maraming nanghuhusga. Iba pala talaga ang pakiramdam nang may kasama kang lumalaban.