Page 63

92 6 7
                                    


Page 63 Thursday

Tinatanong ako ni Papa kung bakit hindi raw sinasagot ni Mama 'yong mga pm niya. Pake ko? Ba't hindi niya tanungin si Mama? Oo nga pala hindi nga pala siya sinasagot.

Nakita naman ni Mama itong diary ko. Sabi niya, bakit daw ako nagda-diary e pambabae lang daw ito. E kung tanungin ko kaya siya na bakit siya naglalandi e hindi naman siya maganda.

Walang trip kanina kaya tinawagan ko si Cecilia. Sinagot niya. Sabay in-end call ko agad. Pinaulit-ulit ko hanggang sa nag-text siya sa akin ng,

"Nakakainis na!"

Nag-reply ako ng,

"K."

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon