Page 127 Friday
Nagulat ako kanina, sinundo ako ni Mama at Papa sa school. Hiyang-hiya ako. Tang ina naman kasi, ang tanda-tanda ko na. Nabigla rin si Cecilia. Alam niyang bati na ang parents ko pero hindi niya alam na makikita na niya. Nagpunta kami sa isang korean resto, kumain kaming apat sa iisang lamesa. Pinagmamasdan ko si Cecilia kanina, hindi siya makakain nang maayos kasi nahihiya siya. Tanong pa nang tanong si Papa kung ano raw klaseng boyfriend ako. Siyempre hindi ako nilalaglag nitong gaga. Binibiro pa nga kami ni Papa na kapag graduate na raw kami ay magpakasal na raw kaming dalawa. Halos mabuga namin ni Cecilia ang kinakain namin. Bukas pa nga lang kami mag-iisang buwan tapos naiisip na nila ang kasal? May sayad yata 'to si Papa, e.
Legal na kami ni Cecilia sa side ko. Kailan naman kaya ako dadalaw sa side niya? Ang sabi niya saka na raw kapag okay na ang pamilya niya. Nahihiya siguro siya.
Kanina habang nasa taxi kami, panay ang bulong sa akin ni Papa na ang galing ko raw pumili ng babae. Hindi ko naman kasi pinili si Cecilia, kusa na lang dumating 'yang abnormal na 'yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/127709193-288-k360659.jpg)