Page 5 Sunday
Tang ina, sabi ko na nga ba, e. Sayang lang ang binayad ko pati ang ilang oras ng walang kuwenta kong buhay. Hindi ako nag-enjoy kanina! Anong klase 'yon? Sayaw, lamon, sayaw, lamon lang ang ginawa ko ro'n. Kinakausap nila ako pero hindi ko talaga trip makisama sa kanila. Badtrip na student night 'yan. Aminado naman akong sinubukan kong makihalubilo, maranasanan ko man lang maging tao, pero wala talaga. Hindi ko kaya. Kaya ang aga kong umuwi.