Page 20 Thursday
Niyaya akong kumain ni Cecilia sa canteen. Libre daw niya. Pero siyempre hindi ako pumayag. Hindi ako nagpapalibre sa babae at isa pa, hindi kami close. Baka ano pang isipin ng mga kaklase ko at mga kaklase niya. Kahit iisang table lang kami, hindi ko pa rin siya kinakausap. Tumatango lang ako kapag may tanong siya. Bahala siya sa buhay niya.