Page 26

99 12 2
                                    


Page 26 Monday

Akala ko kapag iniwasan ko nang iniwasan si Cecilia ay tatantanan na niya ako. Pero hindi. Mas lalo pa niya akong kinulit hanggang sa facebook. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang account ko. Naiinis na ako sa kanya. Napakapapansin na niya. Ano ba talagang kailangan niya sa akin? Kaya tinanong ko na talaga siya.
"Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin?"
Ang sagot niya,
"I want you to be my friend, as in friend."

Sa dami ng tao sa school namin bakit ako pa na ayaw makipagkaibigan sa kung sino-sino. Anong nakita niya sa akin? Marami namang mas better na kaibigan diyan. Wala ba siyang barkada? Ang cheap niya namang pumili ng kakaibiganin.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon