Page 148 Wednesday
Nag-alala na talaga si Cecilia sa akin. Paggising ko kanina, nasa tabi ko na siya natutulog. Kinabahan ako kasi baka sinabi na sa kanya nila mama. Pero napanatag ang kalooban ko ng senyasan ako ni Papa kanina na hindi raw nila sinabi. Katabi ko si Cecilia kanina habang lumuluha ako. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang tulog siya. Gusto kong kabisaduhin ang mukha niya. Ang perpektong hugis ng kanyang mga labi, ang medyo singkit niyang mga mata, ang ilong niyang cute, ang kilay niyang natural. Gusto kong tandaan ang mukha niya, ewan ko basta gusto ko.
Mabuti na lang at naka-jacket ako kaya hindi nakita ni Cecilia ang mga pantal ko. Nang magising siya kanina, todo panggap ako na wala akong sakit. Feeling strong. Basta ang sinasabi ko lang, wala ako sa mood pumasok at gusto ko lang magkulong. Naunawaan naman niya. Sanay naman na siya sa akin.