Page 144 Saturday
Gusto sanang makipag-date ni Cecilia kanina kaso tinanggihan ko. Nagdahilan akong may lakad kami nila Mama at hindi siya kasama. Sabi ko for family muna. Pero ang totoo, nagpa-check up ako sa hospital. Dumugo na kasi ang ilong ko. Tapos medyo sumasakit din ang tuhod ko at mga siko ko. Tsaka pakiramdam ko kasi, kinakain na ng lagnat ko ang timbang ko. Medyo gumaan yata ako.
Pagpunta namin sa hospital kanina, doon ko lang nalaman kung anong nangyayari sa akin. Dati pa ako ganito. Pabalik-balik ang lagnat ko tapos nanghihina ako minsan. Akala ko noon sa puyat lang ito. Pero ngayon, mukhang masyado nang papansin ang lagnat ko. May nalalaman na siyang pantal at padugo-dugo sa ilong. Kaya naman, hindi na ako gaanong nagulat noong sabihin sa akin ng doktor kung anong sakit ko. Dati ko pa naman iniisip 'to pero hindi lang ako sure. Siyempre, naiyak ako kanina. Putang ina naman sa dami ng tao sa mundo bakit sa akin pa iginawad ang putang inang Leukemia na 'to. Iyak ako nang iyak kanina. Hindi ko matanggap, e. Minura ko nga 'yong doktor kasi pilit kong iniisip na pinagti-trip-an niya lang ako. Kahit wala akong masyadong lakas kanina sinubukan kong magwala. Putang ina, Leukemia? Paano ako nagkaganito. Tang ina mo Dok! Hindi 'yon totoo!
