Page 18 Friday
Nakasabay ko sa jeep 'yong iyakin na babae. Sa hindi inaasahang pagkakataon? magkatabi kami sa front seat. Panay ang ngiti niya sa akin. Aminado naman akong ang ganda niya kahit mukha siyang nerd. Pero wala pa rin akong pake. Ni hindi ko siya kinausap hanggang sa makababa ako. Hindi rin naman siya nagsasalita.