Page 76 Monday
Muntik ko na namang mamura si Cecilia nang tanungin niya ako kung nakailang girlfriend na raw ba ako. Wala akong naisagot kasi wala naman talaga. Nanahimik lang ako hanggang sa makauwi kami. Galit-galitan para hindi ko masagot ang tanong niya. Tahimik din naman siya kaya case close agad.