Front Page

229 21 4
                                    


Front Page

Hello. My name is Paul Martin Funtaberde. College student na may kursong Information Technology. Payat. Moreno at higit sa lahat, hindi guwapo, sa ibang salita, pangit. Anak ako ng seaman na hanggang ngayon, hindi pa umuwi sa bahay. Anak din ako ng isang babaeng may ibang lalaki. Kung hindi ka tanga, malamang magulo ang pamilya namin.

Ginawa ko itong diary na ito para ilabas ang mga saloobin ko. Wala kasi akong makausap. Sasadyain kong hindi lagyan ng maayos na date ang mga nakasulat dito dahil ayaw ko naman talagang tandaan ang lahat ng nandito. Ang purpose ko lang talaga, maging malaya sa mga nais kong sabihin. Wala rin akong balak mag-backread sa mga masusulat ko rito.

Hindi ako mahilig sa ganito. Diary? Kagaguhan lang ito para sa akin noon. Pero na-realize ko na malaki ang maitutulong nito para malaya kong masabi ang mga salitang hindi ko kayang bigkasin.

Kaya kung sino man ang ibang makakabasa nito, bahala ka sa buhay mo. Intindihin mo ang lahat ng kapestehan na nandito. Marami kang malalaman, kung anong klase ng buhay meron ako at kung anong klase ng tao ako.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon