Page 136 Sunday
Kagagaling lang namin sa simbahan. Kasama namin si Papa at Mama. Pagkatapos kong ihatid si Cecilia sa sakayan ng jeep ay dumiretso na agad ako rito aa kuwarto. Sinampal ako ng letseng 'yon, e. Nagmura kasi ako no'ng kalalabas lang namin ng simbahan. Muntik na kasing malaglag 'yong phone ko pagdukot ko sa bulsa ko. Nasanay na kasi akong gawing expression ang Tang ina lalo na kapag nagugulat ako. Ayon, isang sampal ang ginawa niya sa akin kahit kasama ko pa mga magulang ko. Tinawanan naman ako ni Papa at Mama. Para na raw kaming mag-asawa. Ang saya nila grabe, tuwang-tuwa sila na sinampal ang anak nila sa harap nila. Napikon ako kay Cecilia kanina kaya hindi ko siya kinausap. Nag-sorry naman siya sa text, e. Ni-reply-an ko lang ng you're welcome. Ang layo 'di ba? Trip ko lang sumagot ng walang kwenta. Nag-reply ba naman, wrong send daw ba ko? Siguro daw para talaga kay Joyce 'yong text na 'yon. Tapos 'yon na, nag-inarte na naman. Lalo tuloy akong napikon. Hindi na talaga ako nag-reply.