Page 30 Wednesday
Ang daming kuwento ni Cecilia kanina. Kahit alam niyang wala naman akong pakialam sa mga sinasabi niya, tuloy lang. Nalaman kong may problema pala siya sa pamilya niya. Broken family din siya maraming taon na ang nakalipas. Tapos broken hearted din sa ex niyang pinagpalit siya sa mas maganda at sexy raw sa kanya. Matagal na raw niyang alam na niloloko siya. Nagpapakatanga na lang daw siya. Sabi niya, noon pa man alam na niyang wala na siyang nararamdaman para sa lalaking 'yon, kumbaga takot lang siyang kalimutan ang presensya no'n kaya pinipilit niya ibalik ang lahat dati. Akalain mo 'yon? Wala akong kuwenta kausap pero nag-share siya ng problema niya. Hindi ako naawa sa kanya, pero hindi ko rin alam kung bakit ako nainis.