Page 118 Wednesday
Hindi pa sa scrap book natatapos ang lahat. Kaya naman kanina, nilagay ko sa daliri niya 'yong singsing na matagal ko nang tinatago. Hindi ko 'yon sinusuot kasi ayaw kong maluma. Nabili ko lang 'yon no'ng elementary pa ko. Maluwag pa 'yon noon sa akin. Mabuti nga at kaysa sa daliri ni Cecilia, e. Dahil kung hindi, pahiya na naman ako nito. Niyakap na naman niya ako. Tapos parang tanga naman, umiyak na naman siya kanina. Batukan ko nga. Sabi niya, tears of joy lang daw iyon. Hindi niya raw akalain na gagawin ko ang mga bagay na hindi naman niya inaasahan sa akin. Oo, hindi ko rin inakala. Gago si Paul Martin, 'di ba? Palamura, hard, walang pake, at higit sa lahat, hindi kilala ang salitang happiness. Pero iba na kasi ngayon, ibang-iba na. Nagmumura pa naman ako pero parang hindi ko na kayang mabuhay nang mag-isa. Nagkaroon na ako ng pakialam sa paligid ko lalo na mundong ginagalawan naming dalawa.