Page 17 Thursday
Muntik ko nang hindi matapos ang actual test kanina sa computer lab. Kalabit kasi nang kalabit 'yong kaklase kong babae. Gusto niyang kopyahin ang code ko sa javascript. Hindi ko siya pinakopya. Dahil sa pag-iistorbo niya, gumawa ako ng kalokohan. No'ng dalawa na lang kami sa lab kasi kami na lang ang hindi nakakatapos, umalis siya para umihi. Binuhusan ko ng tubig 'yong isang notebook niya. Umuwi kaming hindi niya tsini-check ang bag niya. Tanga talaga.