Page 21 Monday
Nakaramdam ako ng hiya nang isigaw ni Cecilia ang pangalan ko sa gitna ng hallway. Tang ina talaga. Feeling close itong babae na ito. Nakakainis na. Hindi ako huminto no'n, patay-malisya akong naglakad pero namalayan ko na lang na nasa likod ko na siya. Sa sobrang irita ko, naprangka ko siya.
"Ano bang kailangan mo sa 'kin? Naghahanap ka ba ng malalandi para may panakip butas ka?"
Nabigla siya sa sinabi ko. Hindi siya sumagot. Nakita kong napalunok lang siya at sabay takbo palayo. Masakit ba 'yong sinabi ko o sadyang totoo lang? Sino ba naman kasi ang hindi makakapagsalita ng gano'n? Isang Paul Martin na nananahimik tapos guguluhin bigla ng Cecilia na brokenhearted, take note, hindi kami close. Kung ano man ang balak niya, hindi ko hahayaang mangyari 'yon.