Page 138 Wednesday
Letse oh! 9 days pala akong hindi nakapagsulat sa diary na 'to? Tang ina naman kasi, e, sabi ko last week dadalhin ko 'to pero nakalimutan ko kasi inartehan ako ni Cecilia. Sorry na raw tapos umiyak. Ayon, nawala sa isip ko ang diary.
Well, ang daming nangyari sa siyam na araw na 'yon. Pero ang mas pinakatinandaan ko, ay 'yong inalagaan ako ni Cecilia sa loob ng kuwarto naming dalawa. Oo, bukod kami kina Mama. Natakot nga ako no'ng una na magsasama kami sa iisang kuwarto. Sabi kasi ni Papa, kapag daw ang magkasintahan ay nagkaroon ng privacy, sunod daw no'n pregnancy. Gago talaga si Papa. Pero wala namang nangyaring gano'n kasi nilagnat ako. Feeling nurse nga si Cecilia e. Todo alaga. Sabi niya nga siya na raw magpapalit ng suot ko. Tanggihan ko nga. Baka ano pang makita niya, e. Para-paraan talaga ang babaeng 'yon. Gusto niya lang ako mabosohan, e.
Kahit may sakit ako, ang saya-saya ko. Kasi ba naman, naramdaman ko talagang mahal na mahal ako ni Cecilia, totoo nga. Totoo nga ang mabasa ko dati sa libro na walang pinipili ang pag-ibig. Makapangyarihan daw ito. Kapag pag-ibig na ang nagdikta, susunod ka na lang. And I think, gano'n ang nangyayari sa amin. Marami akong ayaw na gusto ni Cecilia pero ginusto ko na lang nang hindi ko namamalayan. Iyon ang isa sa mga nagawa ng pag-ibig. Kapag naiisip ko kung ano ako dati, natatawa ako sa kung ano ako ngayon. Ang baduy-baduy ko na. Pero ang saya-saya ko naman.