Page 129 Sunday
Alas-tres pa lang ngayon. Nagising ako dahil ang lamig pala sa sala. Ngayon, nandito ako sa loob ng kuwarto ko habang pinagmamasdan ang girlfriend kong natutulog. Nakamaikli siyang short, tapos ang nipis pa ng pantaas niya. Aminado akong naaakit ako kanina kaya kinuha ko 'yong kumot at tinakip sa kanya. Ang ganda-ganda niya. Para siyang anghel na natutulog. Tang ina. Ano ba talaga ang nakita niya sa akin? Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na akin siya. Na sa kanya ako. May hawig siyang Korean Actress, e. Hindi ko alam kung sino basta mukha talaga siyang koreana.
Nagsusulat pa rin ako ngayon. Hindi kasi ako makatulog. Nandito lang ako sa desk ko habang paminsan-minsan sinusulyapan si Cecilia na natutulog at nakanganga. Okay na sana, e. Kaso naisip ko, wala palang anghel na nakanganga na matulog.
Sobra niyang ganda. Sobra. Hindi ko na nga napapansin na napapangiti na pala ako. Halikan ko kaya siya habang natutulog? Hahaha. Huwag na baka magising pa.