Page 160 Wednesday
After three weeks, ngayon na lang ulit ako magsusulat dito. And I think, this is my last. Pipilitin ko itong matapos.
Kumusta ka na Cecilia? Sana okay ka lang. Sorry. Palala na nang palala ang sakit ko. Siguro kaunti na lang at mawawala na ako. Cecilia, babaeng mukhang gago, mahal na mahal kita. Ikaw ang nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo. Tanda mo pa ba? Noong una kitang makita sa kubo? Wala pa akong pakialam sa 'yo no'n, e. Pero mula nang magpapansin ka sa akin, doon ko naramdaman na may silbi pa ang buhay ko. Basta mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung mababasa mo ito pero mahal na mahal kita. Sana kapag nawala na ako, humanap ka rin ng lalaking magmamahal sa 'yo, huwag 'yong ex mo, a. Mumultuhin kita kapag 'yon ang pinalit mo sa akin. Cecilia, Ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin na worth it akong mahalin. Isa kang ginto ng buhay ko, Cecilia. Sa 'yo na-define ang kahulugan ng pag-ibig. Alam mo ba, na kahit minumura kita sobra akonv inlove sa 'yo? Sobra. Kinikilig ako nang palihim sa mga ngiti mo. Lalo na nang halikan mo sa lips. First kiss ko 'yon, sobrang saya. At hindi ako nagsisisi na ikaw ang unang humalik sa akin. Mahal na mahal kita. Sa paglisan ko, lagi mong tatandaan na never kong inisip na saktan ka, kahit gago ka minsan, ikaw lang ang tinibok ng puso ko. Cecilia, paalam, masakit pero paalam. Keep smiling and