Page 55

83 7 10
                                    


Page 55 Thursday

Nasa gate pa lang ako ng school sinalubong na ako ni Cecilia. Nakasimangot siya. Tapos bigla niya akong sinampal. Napamura ako sa ginawa niya. Ang lakas no'n. Halos maalog ang utak ko.

"Puta bakit mo ko sinampal?!" galit kong tanong sa kanya.

Nakita ko na lang na malapit na siyang umiyak. Siya ang nanampal siya pa ang may ganang umiyak ngayon?

"Bakit mo ko iniiwasan?" tanong niya tapos umiyak na talaga siya.

Kainis. Mukhang tanga. Para siyang bata. Tinakip niya 'yong mga palad niya sa mukha niya habang humihikbi. Palakas nang palakas 'yong iyak niya. Kinabahan ako kaya nayakap ko siya nang wala sa oras. Naramdaman ko na lang na nakayakap na rin siya. Wala pang isang minuto ay kumalas na ako.

"Huwag mo na kasi akong iiwasan. Alam mo bang wala akong mapaglabasan ng sama ng loob kagabi kasi wala ka?"

Nalaman kong may problema na naman siya sa pamilya niya. Ano ba problema nito? Siya lang ba may problema? Kung makaiyak akala mo naman namatayan.

Nakaramdam ako ng lungkot kanina na very unusual para sa akin. Niyakap niya akong muli. Kahit hiyang-hiya na ako kanina ay niyakap ko na lang din siya.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon