Page 46 Tuesday
Binu-bully ako kanina sa canteen. May nagbago ng buto ng mangga sa ulo ko. Aminado ako, masungit ako pero hindi ako gano'n katapang. Alam kong may gang sila. Anong laban ko ro'n? Pero, epal si Cecilia. Pinagtanggol niya ko sa mga kupal. Nasampal pa nga niya 'yong isa, e. Lahat kami nagulat sa ginawa niya. Papatulan siya dapat no'ng lalaki pero inawat sila ng guard. Kakaibang babae ito. Hindi siya maintindihan kung ano ba talaga siya. Gangster din ba siya?
Bago kami umuwi, tinanong ko siya kung gangster ba siya na naka-disguise lang, gano'n kasi sa mga libro, may babaeng nerd na gangster pala. Pero ang sagot niya, hindi.