Page 68 Tuesday
For the first time, nandito si Mama habang may sakit ako. Nagluto siya para sa akin. Pinunasan niya ako dahil sobra akong init. Galit ako sa babaeng ito kasi malandi siya. Pero nanay ko pa rin siya kahit anong gawin ko. Kaya ayaw kong ipagkait ang responsibildad na dapat ginagawa niya bilang ina. Mas suwerte pa nga ko kaysa kay Cecilia kasi nakikita ko si Mama, 'yong nanay niya, nasa Japan, may asawang Hapon.
Hinahayaan ko lang na pagsilbihan ako ni Mama. Nag-sorry pa nga siya kanina kasi lagi raw siyang wala. Tumango lang ako, pero sa isip-isip ko, "Pake ko?"