Page 125

79 4 2
                                    


Page 125 Wednesday

Ang taas ng nakuha ni Cecilia sa exam nila. Masaya ako para sa kanya. Pero mas lalo pa akong sumaya no'ng pag-uwi ko, naabutan ko si Papa at Mama na magkayakap. Hindi ko maintindihan kanina. Bakit sila magkayakap? Dapat nagsusuntukan sila, e. Tsaka bakit nandito si Papa? Ba't biglaan?

Saka ko lang nalaman na pinatawad ni Papa si Mama. Nagkaayos na sila. Speechless ako kay Papa. Paano niya nagawa 'yon? Paano niya napatawad si Mama nang gano'n kabilis? Anong klaseng nilalang ba siya? Hindi ko alam na gano'n pala magmahal si Papa. Grabe ang pagmamahal niya kay Mama. Pero sana naman, magtino na ito si Mama kapag bumalik na si Papa sa barko, at sana monthly na siya magpadala ng pera. Nalaman ko rin na kaya pala nauudlot ang padala niya ay dahil iniipit sila ng boss nila. At mananatili siya rito sa bahay nang medyo matagal dahil naka-leave siya. Gusto niya raw ubusin ang oras niya sa pamilya namin. Sorry naman nang sorry si Mama. Magkakasabay kaming kumain kanina sa iisang lamesa. Hindi ko maipaliwanag ang ligayang nadarama ko. Ito na yata ang sinasabi sa akin ni Cecilia na may blessing na darating.

Kapwa rin sila humingi ng sorry sa akin. Aminado silang marami silang pagkukulang sa akin kaya lumaki akong walang modo. Medyo naiyak ako. Tang ina kasi ang drama. Gustuhin ko mang sumbatan silang dalawa sa lahat ng pagkakamali nila pero hindi ko na nagawa samantalang ang dali ko lang nagagawa 'yon dati, with mura pa nga. Sa halip na magalit ako, napangiti na lang ako sa kanila, nagtaka nga sila sa reaksyon ko, e.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon