Isang linggo na ang nakalipas mula nang manatili ako rito sa puder ni Paul. Marami na ang nangyari. Nalaman na ng dati naming mga kaibigan na nagkita na kami ulit. Sa wakas, active na ulit ang facebook ni Paul dahil ako ang gumagamit. Medyo nainis nga ako nang mabasa ko ang mga messages sa kanya ni Joyce noon. Ang landi niya.
Namasyal kami ng pamilya ni Paul sa kung saan-saan. Nagpunta kami sa taniman ng strawberry. Pinaranas sa akin ni Paul kung gaano kasarap mamitas ng sariwang strawberry kasama ang mga magulang niya.
Pinilit niya rin akong subukang sumakay sa kabayo kahit takot na takot ako. Tawa sila nang tawa sa reaksyon ng mukha ko habang nasa likod ako ng kabayo. Kung kaya nga lang siguro humalakhak ni Paul ay siguradong siya ang nangibabaw.
Nag-picture taking din kami sa malaking lion na kilala rito sa Baguio. Basta, kung saan-saan kami namasyal para sulitin ang mga araw na magkakasama kami.
Sobrang saya ko. Kung puwede nga lang na ganito habambuhay.
Nandito kami ulit ni Paul sa terrace. Magkahawak ulit ang kamay namin. Parang ayaw ko nang bumitaw sa kanya. Nang sulyapan ko siya ay nahuli siyang nakatingin sa akin.
"Bakit?" nakangiti kong tanong.
"Wala. Gusto ko lang kabisaduhin ang mukha mo. Sobrang ganda kasi."
Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko.
"Na-inlove ka ba sa 'kin dahil maganda ako?"
Umiling siya.
"Hindi. Basta ang alam ko, hindi ko ginustong gustuhin ka. Minahal na lang kita dahil mahal kita."
Hinalikan ko siya sa labi. Ang sweet niya. Kinilig ako.
"Weh?"
"Oo nga. Sino ka ba para mahalin ko, 'di ba? Maganda ka lang naman. Wala sa isip ko na magkaroon ng girlfriend noon. Pero no'ng dumating ka, nagbago ang lahat ng pananaw ko. 'Yong tanong kong sino ka ba para mahalin ko, nagkaroon ng sagot. Ikaw si Cecilia, ang babaeng magbibigay kulay sa buhay ko."
"Ang cheesy mo, Paul." Tumawa ako nang mahina.
"Patay na patay ka nga sa 'kin," pagmamayabang niya.
"Oo na. Aminado naman ako."
Tiningnan ko siya. Medyo pumipikit-pikit na siya. Inaantok na siguro siya. Nitong mga nagdaang araw, ang bilis na niyang antukin.
"Cecilia..."
"Yes, baby Paul?"
"Pu-puwede ba kitang k-kantahan?"
Hindi ako nagdalawang isip na pagbigyan siya.
"Sige, pero, mapapagod ka," pag-aalala ko.
"I know, but it's okay."
Ngumiti siya ulit.
Nakita kong huminga muna siya nang malalim bago simulan ang pagkanta.
Girl, it's be-been a long, l-long time comin'.
But I, I know that it's be-been worth the wi-wait.Medyo nauutal na siya pero pinipilit pa rin niyang ituloy kahit pa wala na siya sa tono. Hindi ko iyon pinagtuunan, nag-focus ako sa effort niya.
It feels la-like springtime i-in winter.
I-it feels like Christmas i-in June.
It feels like he-heaven has o-opened up it's gates for me and yu-you.Gusto kong maging masaya sa mga sandaling ito pero nasasaktan talaga akonh makitang nahihirapan siya. Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang aking mga luha.
And e-every t-time I close m-my eyes.
I thank t-the lo-lord that I've got yu-you.
And you've g-got me too.
And e-every t-time I think o-of it
I pinch m-myself 'cause
I don't believe it's true.
That s-someone like yu-you
Loves me t-too.Ipinikit pa niya ang kanyang mga mata habang kinakanta ang mga linyang iyon. Damang-dama ko ang pagmamahal niya. Tagos hanggang sa puso. Magkahalong saya at lungkot ang namumutawi sa aking kalooban. Hindi ko mawari kung anong uunahin kong maramdaman. Masaya ako pero masakit.
Girl, I t-think that you're t-truly somethin'.
And you're, you're e-every b-bit o-of a di-dream come true.
With yu-you b-baby, it n-never rains and it's no wu-wonder.
The s-sun always s-shines when I'm near you.
It's just a blessing that I ha-have found s-somebody la-like you.Humahagulgol na ako habang pinanonood at pinakikinggan ko siya. Pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.
And e-every t-time I close m-my eyes.
I thank the lo-lord t-that I've got you.
And you've got m-me t-too.Hindi na ako nakatiis at talagang niyakap ko na siya habang umiiyak.
I pi-pinch m-myself 'cause
I do-don't believe it's true.Pahina nang pahina ang boses niya. Hindi ako bumitaw na hagkan siya habang nasa dibdib niya ang mukha ko.
That sa-someone la-like you...
Paul...
Loves m-me t-too.
Tumigil siya sa pagkanta. Naramdaman ko ring bumagsak na ang kamay niya na kanina lang ay nakapatong sa likod ko. Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko para tingnan siya. Nakangiti siya habang nakapikit at may tumutulong luha.
"Paul?"
Pero, napansin kong hindi na siya humihinga. Hinawakan ko siya sa pisngi at sinubukan kong padilatin siya. Subalit, hindi na nangyari.
"Paul! Gumising ka please! Please! Huwag mo ko iiwan!"
Niyakap ko siyang muli at saka nagpakawala nang maraming luha. Dumating na rin ang mga magulang ni Paul na umiiyak na rin habang pinagmamasdan ako.
"Paul! Please! Wake up! Parang awa mo na gumising ka! Stay with me, Please! Huwag mong gawin sa akin 'to!"
Pero kahit anong gawin ko, hindi na siya muling dumilat pa. Halos mapaos ako sa kasisigaw.
"Please don't l-leave m-me. Please!!!"
Naramdaman ko na lang na nakahawak na ang kamay ng mga magulang ni Paul sa balikat ko.
Hindi! Hindi ito maaari. Ayoko! Hindi ito totoo. Sinubukan kong pumikit dahil gusto kong isipin na ito'y isang bangungot lang. Pero pagdilat ko, wala nangyari. Tanging katotohanan lang ang bumungad sa akin.
Wala na ba akong kasamang mangarap? Wala na ba akong kasamang magsipilyo? Sino na ang magpupuno ng buhay kong kulang na kulang na ngayon.
Halos sisihin ko ang langit sa sobrang sakit ng nadarama ko. Kung gaano kahigpit ang yakap ko kay Paul ay gano'n din kabigat ang dinadala ng aking kalooban.
Dahil sa labis na pagdadalamhati ay nawalan ako ng malay. At sa paggising ko, wala na sa tabi ko si Paul. Naiwan ang wheelchair niya kung saan huli ko siyang niyakap. Akala ko matatapos na ang pagbuhos ng aking mga luha pero hindi pala. Kusa na naman itong lumabas sa aking mga mata kahit pa pakiramdam ko'y wala na akong mailuluha pa.