Page 120

76 3 1
                                    


Page 120 Friday

Bago ako pumasok kanina, nakita kong umiiyak si Mama sa lamesa. Nakipaghiwalay na kasi siya sa kabit. Aba, tang ina dapat lang. Ngayon niya lang naisipan.

Gusto niya raw bumawi sa pamilya namin lalo na sa akin. Sa akin, puwede pa siyang makabawi dahil unti-unti ko na rin namang sinisimulan ang masayang buhay, pero paano kay Papa? Tang ina baka mapatay siya no'n kapag nalamang may kabit siya. Parang gago rin naman kasi itong si Mama, e. 'Yong isa ro'n nagtatrabaho sa malayo tapos siya puro landi. Ito naman si Papa, ang tagal umuwi. Siguro sa isang taon dalawang beses lang siyang magpakita. Tapos isang araw lang ang itatagal niya rito.

Iniwan ko si Mama. Pumasok na ako. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Kaya nang makarating ako sa school, hindi ko nakausap nang maayos si Cecilia. Wala ako sa mood.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon