Page 153

74 4 2
                                    


Page 153 Monday

Nandito na pala ako sa probinsya. Nag-iyakan na naman kanina nang malaman nila Lolo ang kalagayan ng gwapo nilang apo. Pero ang mas kinabigat ng pakiramdam ko, hinahanap na ako ni Cecilia.

Nabasa ko ang mga text niya. Nagpunta siya sa bahay pero wala na siyang inabutan. Umabot ng 93 messages ang natanggap ko mula sa kanya. Pero ni isa ro'n ay hindi ko ni-reply-an. Ayoko. Gusto kong isipin niya na ayaw ko na sa kanya. Pero ang sakit-sakit. Akala ko tama ang ginawa ko. Isang araw pa lang ang nakalipas mula nang umalis ako sa amin, feeling ko isang dekada na. Nasasaktan ako kasi nasasaktan si Cecilia. Nag-open ako ng facebook, ang dami rin niyang pinadala voice message. Umiiyak siya. Nasaan na raw ako. Ano raw nangyari? Galit daw ba ako? May iba na raw ba ako? Isusuko na raw niya ang bataan kausapin niya lang daw ako. Hindi na ako nakatiis, nag-reply ako,

"Ayaw ko na sa 'yo."

Iyan lang ang sinabi ko at nag-log out na ako. Alam kong masasaktan siya sa sinabi ko. Pero mas okay nang isipin niyang nagsawa ako, kaysa isipin niyang wala na talagang Paul Martin Funtaberde sa mundo sa susunod na mga buwan.

ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon