Prologue

1K 29 3
                                    

NOTE:

This is Be With 8 Gangster Sequel, reading this without reading book 1 will confuse and spoil you. You may not understand the story. So please read the book 1 first before reading this. That's all, thank you for reading😊










Jhea POV

Tuluyan kong binitawan ang puting lobong hawak. 'Rest in Peace Madison' Bulong ko sa sarili habang sinusundan ng tingin ang lobo na unti-unti ng naglalaho sa aking paningin.

Hinding hindi kita makakalimutan. Hinding hindi ko malilimutan ang sakripisyong ginawa mo. Hinding hindi ko malilimutan na inalay mo ang buhay mo para sa amin. Hinding hindi kita malilimutan. At sobrang pinagsisisihan kong tinawag kitang demonyo, when in fact ay wala naman talaga akong alam tungkol sayo.

Hindi mo ko kaibigan. Tanging sila Chrissy at sila Ate lang ang mga kaibigan mo doon pero pinili mong iligtas kaming lahat. Pinili mo kami kesa sa sarili mo. Sana kung nasaan ka man ay masaya ka. Sana ligtas ka dyan. At sana gaya namin ay wag mo rin kaming kakalimutan.

"Jhe!!" Tuluyan kong hinayaan na bumagsak ang mga nanghihinang tuhod ko sa madamong sahig ng sementeryong ito. Hinayaan kong lumabas ang hagulhol na kanina ko pa pinipigilan.

"M-Madison!!" Tawag ko sa kanya. Kasabay ng pagbigkas ko ng pangalan na 'yon ay ang bigla na namang pag-iingay ng paligid. Muli na namang nilamon ng malalakas naming hagulhol ang lugar.

Hindi man kita nakasama. Hindi man kita nakilala gamit ang sarili kong panghusga, pero walang duda... isa kang mabuting kaibigan. At ibinibilang kita sa mga mabubuting tao na nakilala ko.

"Shhh!!" Niyakap ako ni Vince at pilit pinapatahan.

Gustong gusto kong tumigil pero hindi ko kaya eh. Nasasaktan ako at nakokonsensya ng sobra kapag naiisip kong ako ang dahilan ng pagkamatay nya. Nasasaktan ako ng sobra sa tuwing maiisip kong sana buhay sya ngayon kung hindi dahil sa akin. Sana nandito ka ngayon kung hindi mo lang kami niligtas mula sa kapahamakang ako ang dahilan.

"Shhh! Pare-parehas tayong nasasaktan sa pagkawala nya, but we need to be strong dahil kung hindi ay sasayangin lang natin ang ginawang sakripisyo ni Madison!!" Para akong natauhan sa sinabing iyon ni Trix. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Vince at hinarap sya.

"H-Hayaan mo l-lang akong umiyak n-ngayon para n-naman mailabas ko l-lahat. A-At pagkatapos ay gagawin ko ang m-makakaya ko p-para hindi na u-umiyak sa tuwing m-maririnig ang p-pangalan nya!"

Tumahimik na naman. Ang mga paghikbi, pagsinghot, at impit na mga iyak nalang ang naririnig ng lahat.

Vince POV

Siguradong nagkadurog durog ang katawan ni Madison dahil sa nangyaring pagsabog. Wala kahit isang buong katawan, o kahit man lang ilang parte ang natagpuan. Puro mga abo nalang ang naabutan namin ng bumalik kami sa isla. Kaya ang ginawa nalang namin bilang alternatibo ay pumunta kami sa lugar kung saan namin huling nakita si Madison, kumuha kami ng abo doon at nilagay sa burial jar. Iyon ang inilibing namin sa sementeryo, iyon ang nagsilbing katawan nya at huling alaala nya.

Nang ang Bloody Diamond, tatlong SSG, sila Chrissy, at ang buong Gang nalang ang natitira ay lalong lumakas ang hagulhulan. At mas lumakas pa 'yon ng bigkasin ni Jhea ang pangalan ni Madison. Nangingibabaw ang iyak ni Chrissy, Jairen, Jairah, at Jhea. Pero si Ice yata ang umaagaw ng atensyon ko. Nasa isang sulok lang sya, nakayuko sa mga kamay nya at rinig na rinig ko ang impit na pag-iyak nya. Gusto ko syang lapitan at ikalma, pero alam kong mas gusto nyang mapag-isa. Mas gusto nyang damdamin ang sakit sa sarili lang nya.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon