Chapter 45: Altogether

422 14 0
                                    

Jezil POV

"Saan mo naiwan?!" Tanong ni Liam kay Jhea. Nasa sala kami ng condo ni Shanon, nakaikot kami sa sahig dahil hindi kami kasya sa dining table.

Ako na katabi ang asawa kong si Ice. Wahahahaha. Tapos si Shanon, Hera, Aida Marj, Ellaine, Liam, Trix, Xan, Daryl, Jhea, Clyde, Vince, Bryle tapos yung asawa ko na. Sharap!

"Doon yata sa CR!!"

"Burara!!" Sinamaan nya ng tingin ang katabing si Clyde.

"Nakalimutan ko nga!! Burara daw!!" Pati kami ay natawa na rin dahil sa pagsimangot at pagnguso nya kay Clyde. Hinihilot hilot pa kunyari ni Daryl ang likod nya.

"Uhm gusto nyong sumama sa Tagaytay?" Nagulat kami ng sabay na umubo si Hera at Clyde sa tanong ni Ellaine.

"Pati ba naman sa pag-ubo ay sabay kayo?" Humalakhak ako, samantalang ang iba kong kasama ay umiling lang sa akin. Napanguso ako ng makitang nakatingin sa akin ang asawa ko. Maygash! Na-turn off ka ba asawa ko?

"Oh!!" Inabutan ni Jhea si Clyde ng tubig habang hinihilot ang likod nito. Napatingin ako kay Hera, at wala na naman syang emosyon.

"B-Bakit? A-Anong gagawin sa Tagaytay?" Si Jhea.

"Outing" Si Aida na naka-focus ang tingin kay Clyde. "22nd birthday kasi ni Ellaine sa May 20. As a gift pina-reserve ng parents nya for one week yung isang resort doon. Boring kung kami kami lang, kaya para sulit sama na kayo!!" Biglang tumahimik ang paligid. Pansin kong halos lahat ay nagpapabalik balik ang tingin kina Clyde at Hera.

"What's wrong with your eyes?" Si Clyde. Hindi ko alam kung galit ba o takot ang boses nya.

"Let us think over your invitation ---"

"No! Let's join!!" Malamig na pigil ni Clyde kay Ice bago tumayo. Diri-diretso ang lakad nya palabas.

"Saan 'yon?" Wala sa sarili kong tanong.

"Magpapalamig lang!!" Si Xan. Napabaling kami kay Aida ng bigla syang tumawa. Nakangisi ang katabi nyang si Marj habang si Hera ay walang pakeng nagpatuloy sa pagkain.

"What the hell?!" Inakbayan nya si Hera. "What's wrong with Ellaine invitation? Bakit inubo kayo?" Lalong nilamon ng katahimikan ang paligid. Biglang bumigat, pakiramdam ko tuloy ay may bagyo rin sa loob.

Ang totoo ay nagkaroon kami ng maraming tanong sa pagitan ni Hera at Clyde nung araw na mahanap sya pagkatapos ng walong araw na hindi pagpapakita.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon