Chapter 22: Realize

508 17 0
                                    

Hera POV

Tahimik lang akong nakaupo at pinapakinggan ang lahat ng sinasabi nila tungkol kay Jhea. I'm so pity to her, everyone blame her about Madison death. Nabubulagan ang mga taong ito, siguradong mari-realize lang nila lahat ng pagkakamali at pagkukulang nila kapag nawala na sya. They don't understand that its only conscience.

Lahat sila ay abala sa pagbubulungan habang pinapanood sina Xan at Jairah.

"Why she keep defending her sister?!" Bulong ni Marj habang umiikot ang mata.

"Jairah has point!!" Nakangusong usal ni Jezil habang nginangatngat ang mga kuko sa daliri.

"Nah!! Her point is wrong" Si Aida na panay ang ngisi sa nangyayari.

"You better close your mouth guys" Pananaway ni Shanon. Nagkibit ako ng balikat at agad sumandal sa sofa.

Nagpatuloy sa pagbubulungan ang mga  katabi ko kaya naman napapairap ako. Pakiramdam ko ay may mga bubuyog akong katabi.

Napakunot ang noo ko ng may marinig na sasakyan sa labas. Siguro ay hindi nila 'yon napansin dahil sa abala sila sa nangyayari. Lumingon ako at halos malaglag ang panga ko ng makita si Jhea'ng nakangiti na bumaba sa isang itim na van. Lumingon ako sa mga kasama ko bago muling bumaling kay Jhea. Gusto ko sanang pigilan ang mga nangyayari, gusto ko silang patigilin sa pagsasalita--- pero naisip ko, its time Jhea to realize. Kung hindi mo maririnig ang lahat ng ito ay hindi ka magigising.

"She's here!!!" Namumutlang usal ni Jezil. Agad kong isenenyas ang daliri ko sa kanya. "Maririnig nya!!" Ngumiti ako.

"Let her!! Para ma-realize nya na ang lahat. She also need a rest Jez" Tumango sya sa akin. Umupo kami ng maayos at nagpanggap na walang nakita.

Siguro ay umiiyak na sya ngayon at halos hindi na makalakad dahil sa panghihina. I feel so sorry for you Jhea! This is what you need, a slap from reality. Baka pag hindi mo ito hinarap agad ay magaya ka sa akin--- na naubos muna bago matanggap ang katotohanan.

"H-Hello!" Pahagulhol nyang bati. Nakagat ko ang labi ko dahil sa sobrang awa para sa kanya. Pakiramdam ko ay nakikita ko sa kanya ang dating Hera. Pero mas malakas ka sa akin Jhea, kaya mo 'yan!!

Nagsimula syang umiyak ng umiyak at magsalita. Pakiramdam ko ay bigla nalang syang babagsak dahil sa panghihina at pamumutla nya. Nung lumapit sya kay Ice ay sinamantala ko iyon para alalayan sya. I really see myself to you, kaya siguro ganito kagaan ang loob ko sayo.

Maging ako ay parang sinasaksak ng mga salita ni Ice. I see how Ice treat Jhea, I know how sweet he is. At kung ako nga nasasaktan... How much her?

Bawat salita nya nababalutan ng sakit, panghihina at lungkot. But you know what amazing? In the situation where she hear how much these people, specially her knights loath to her presence, hindi nya pa rin nakalimutang balikan lahat ng mabuting nagawa nila sa kanya. Inuna nyang sabihin lahat ng naitulong nilang mabuti, bago yung sakit. She must really broken at this moment.

"I'm s-sorry kung p-pinanganak lang ako para manalot. Sorry!!!" Hinawi nya ang kamay ko. I watch her step until another hand snap hers.

"J-Jhea" Luhaan ang mukha nyang nagmamakaawa. Jhea wipe his tears. I see, kahit galit sya mas matimbang pa rin yata yung pagmamahal nya sa kanila. "W-Wag naman ganito!!" Ngayon! Narealize nyo na. Ngayon kung kailan mawawala na sya.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon