Chapter 21: Jhea

499 16 1
                                    

Jhea POV

"H-Hello!!" Hindi ko mapigilan ang sakit. Gusto ko mang pigilang umiyak ay hindi ko kaya. Wala akong lakas para pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Wala!!

"J-Jhea?!" Akma nya akong lalapitan pero agad ko syang pinigilan. Wag kayong lumapit sa akin. Lalong lalo ka na Daryl!

"J-Jhea!!" Ate Jai! Kayong dalawa. Akala ko ba kakampi ko kayo? Akala ko ba ayaw nyo na nasasaktan ako? Kayo ang iniisip kong sandalan eh. Kayo yung hingahan ko ng mga sakit na nararamdaman ko tapos isa rin pala kayo.

"J-Jhea" Tama na. Hinding hindi ko na kayo hahayaang saktan ako. Sapat na siguro yung mga narinig ko mula sa inyo Trix.

"J-Jhea!" Ang araw na 'to ang gumising sa akin. Kahit sobrang sakit! Kahit sobrang hirap at sobrang bigat--- ayos lang! Wala eh! Masakit talaga ang katotohanan. Ang katotohanan na hindi na talaga ako welcome sa buhay nila mula ng araw na 'yon.

"T-Tama n-na" Umpisa ko bago punasan ang luha ko na agad ding napalitan. "T-Tama na!!" Matigas kong pag-uulit bago tumuwid ng tayo. Pinahid ko ulit ang luha ko na mabilis na napapalitan. Bwisit! Tumigil ka na sa pagdaloy pwede ba?! Dahil sayo kung bakit lagi akong nagmumukhang mahina eh.

"J-Jhe!!" Nanginig ang katawan ko sa pagtawag na 'yon ni Liam. Humakbang sya palapit sa akin pero agad kong sinenyas ang kamay ko.

"W-WAG KAYONG LUMAPIT SA AKIN!!" Pahagulhol kong sigaw. Wag na wag kayong lalapit sa akin. "D-Dyan lang kayo. M-Makinig lang k-kayo sa akin!!" Malalim ang paghinga kong sabi habang matapang silang tinitignan lahat. "B-Bakit kayo umiiyak?!" Tanong ko kina Ate at kina Chrissy. "N-Nakukulangan pa kayo sa mga pinagsasabi nyo?! O sige! Let me give you a minute or two to say all your resentment!!" Malamig kong sabi bago tumingin sa relo ko. Naging tahimik ang buong paligid. Wala kahit isa sa kanila ang nagsalita, nakatingin lang sila sa akin. Tumango tango ako bago sumandal sa pintuan para kumuha ng suporta. "C-Chrissy... K-Klein... Z-Zach and W-William... I'm sorry. I'm really s-sorry kung namatay si Madison dahil sa akin. H-Hindi ako galit sa inyo kung sinisisi nyo man ako, I-I know I deserve all the blame, I deserve all your invective, all your annoyance, all your profanity, and all the anger from you!! I-If you want to lay hands on me? T-Then do it I will wholeheartedly accept all the physical pain!!" Ang labo labo na nila sa paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. Hinilot ko ang lalamunan ko dahil sa sobrang pagbabara nito. "S-Sorry... for taking the life of your friends" Pagpapatuloy ko habang tinitignan ang BD, SSG, sila Chrissy at Ate Jairen. Sobrang sakit sabihin no'n, sa totoo lang. "S-Sorry Ate Jairen kung nawala ang best friend mo ng dahil sa akin. S-Sorry kung namatay sya para sa akin. How I wish na sana ay pwede tayong bumalik sa panahong 'yon sa isla... I promise--" Itinaas ko ang kanang kamay ko. "I-I'll do my best para ako nalang yung mamatay doon. P-Para si Madison nalang ang kasama nyo ngayon, p-para sya nalang ang buhay at hindi ako!!" Hindi ko maiwasan ang pait sa boses ko. Bakit kasi kailangang hilingin pa nila na sana ako nalang yung nawala kesa si Madison? Bakit ayaw nilang ako ang nabuhay? Bakit parang sumpa ang pagkakaligtas ko para sa mga taong ito?

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon