Chapter 29: Solid

383 19 0
                                    

Vince POV

"HOY TRIX!! SINUOT MO NA NAMAN SIGURO YUNG BRIEF KO NOH?!!!" Natakpan ko ang tenga ko bago damputin ang remote sa tabi ko at agad pinalipad kay Xan na nasa taas.


"Baka sapakin kita!!"

"Ang iingay nyo tang1na!!" Ang sakit nila sa tenga. Panay ang sigawan nila sa kung ano-anong nawawala sa mga personal nilang gamit. Tss! Kung nandito lang si Jhea siguradong lumabas na naman 'yon sa kwarto nya ng umiiyak, tapos magwawala at mangba-bato ng kung ano ano dahil nasira na naman ang tulog nya. Tapos papagalitan kami ni Ice dahil sya na naman daw ang sisihin ni Jhea. Napangisi ako bago sulyapan ang kwarto nyang halatang bukod tangi dahil kumikinang ang kaputian sa mga brown naming pintuan. Hayst!! Nasaan ka na ba Jhe? Nami-miss ka na namin.

"Let's go!!" Nagsitanguan kami sa pagyaya ni Ice na 'yon. Sumunod kami lahat sa kanya sa paglabas.

Natatawa ako. Pakiramdam ko kasi ay susugod kami sa isa na namang gang war. That Ice line na pinagsawaan na namin. Let's go. Kapag sinabi nya 'yan ay tatayo agad kami ng nakangisi at nagpapatunog pa ng mga daliri. At pagkatapos ng ilang hakbang ay makikita ko nalang ang buong gang na halos makipagpatayan sa kung sino man ang nasa harap namin.

Gangster kami. Gangster. Masamang tao nga kung tignan. Yes maybe for others they defined Poisonous Gang as a gang that has eight handsome member. A cool gang that became popular not because we had tattoo or what. A gang that became well known because of our identified way of fighting. A group that no one to please. But still in general they look at us as a wicked one, that like the name of the gang---- we're poison.

That's why nakakatawang ito tayo ngayon, tila isang maamong lion na nagkakaisa para sa tinatawag nating prinsesa. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na maglalabas ako ng luha ng dahil sa isang babae, ni hindi ko nga na-imagine na may papapasukin akong isip bata sa buhay ko, lalong hindi ko inasahang pwede pala tayong maging ganito. Na pwede pala tayong maging ganito katakot, ganito kahina, ganito kalungkot, ganito ka-desidido. Hindi ko alam na lahat ng ito ay mangyayari sa kilala at matigas na gang ng dahil sa isang Jhea Vasquez. Minsan natatawa nalang ako sa mga estranghero nating ugali, yung ugali na para bang si Jhea lang ang nakapagpalabas, na para bang si Jhea lang ang pwedeng makakita.

"Ano Vince? Wala ka ng balak bumaba dyan?!" Nagkamot ako ng ulo ng makitang ako nalang mag-isa sa van. Binato ko ng plastic bottle si Bryle dahil sa lakas ng boses nya.

"Ano bang iniisip mo? Magdamag kang nanonood sa bintana!!" Inambahan ko lang si Daryl bago magsimulang maglakad palapit sa grupo na kaharap ang--- sino 'yon?

"Nagbabad siguro sa porn 'yan kagabi!!" Nilingon ko si Trix bago ituro ng middle finger ko. Tss! Igagaya mo pa ko sayong siraulo ka.

"Nasaan yung magkapatid at sina Chrissy?!" Narinig kong tanong ni Liam habang papalapit ako. Namataan ko agad ang Bloody Diamond at ang tatlong SSG na para bang inip na inip.

"Nakikita mo ba? Wala sila. They're all absent and yet pinaghintay nyo pa kami ng halos 30 minutes!!" Tss! Ang yabang nitong Aimee na ito ah.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon