Chapter 67: Behind

355 13 0
                                    

Jezil POV

"AYIEEEEEE!!" Sabay sabay naming sigaw ng lumabas ulit si Daryl na syang nag-serve ng pagkain sa amin dito sa loob ng Ferrer private room.

"Fvck!! Damn you!! Stop teasing!!"

Halos mawalan na kami ng hangin sa kakatawa dahil sa namumulang mukha ni Chrissy. Para syang hihimatayin ng tuluyan kapag muling lumapit sa kanya si Daryl. Yes! She has crush on him. Ayaw nya pa sa aming aminin eh halatang halata naman sya. Kaya pala ang bilis nyang naka-move on kay Klein eh.

"Enough! Not funny guys!!!" Nagsimula syang magmartsa palayo sa amin. Wala kaming ibang ginawa kung hindi ang panuorin syang galit na lumalabas. Nakakatawa naman sya magka-crush. Sobrang obvious na para na syang baliw kapag sobrang lapit na ni Daryl.

"Saan punta no'n?" Si Aimee na halos mahulog na sa kinauupuan nya dahil sa kalikutan. Halatang naiirita na sa kanya ang katabing si Hera dahil panay ang tingin nito ng masama sa walang pakealam na si Aimee.

"Mapapatay ka na ni Hera oh!!" Nagsimula na namang umapaw ang humuhupa na sanang tawanan dahil sa sinabi ni William.

Walang pakealam lang na inakbayan ni Aimee ang nakasimangot ng si Hera. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano ba sila naging ganyang kalapit. Kailan pa sila naging ganyan ka-close dalawa? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman sila masyadong nag-uusap. Samantalang ngayon halos silang dalawa nalang ang magkasama. Hmp! Nakakapagtampo ka Hera! Dati ako ang pinaka-close mo.

Nag-cutting class kami ngayon. Ang sabi kasi ni Vince ay may pag-uusapan daw kaming importante, kailangan daw na kumpleto kami. Hindi na kami tumanggi dahil sa totoo lang ay nakakaumay ang pakikinig ng pakikinig sa mga lesson. I want space! Hindi man ako trying hard sa pag-aaral, pero hindi naman ako gano'n kabulakbol, gumagawa pa rin ako ng mga pinapagawa ng teacher, at sa totoo lang masakit na sa ulo. Nakakabaliw!! Kung wala lang akong pinanghahawakang pangako, hindi na ako magti-tiyaga sa pag-aaral. May mamanahin naman akong kompanya eh.

Kumpleto na kami lahat sa Ferrer. The complete member of PG is already here. The three SSG too. Si Jairen at Jairah ay nandito na rin. Sina Chrissy, William at Zach. Pati kami na ang tanging kulang lang ay si Shanon, at ang tumiwalag ng si Aida. Nagsalubong ang kilay ko ng mapagtanto na wala si Jhea. Akala ko ay kina Liam sya sasabay gaya ng nakasanayan.

"Bakit wala si Jhea?" Si Ellaine na diretso ang tingin kina Xan.

"Because the purpose of this meeting is about her!!" Mangha akong napatitig kay Bryle. About her? Bakit anong meron na naman kay Jhea?

The last time we do this kind of meeting ay hindi maganda ang kinalabasan. Kung para sa lahat ang meeting na 'to bakit naka-skip sya? May nangyari ba na hindi namin alam?

"B-Bakit anong meron?" Ramdam ko ang tensyon sa boses ni Jairah habang nakatitig sa nasa kaliwa nyang si Liam. Inakabayan sya nito na tila sinasabing maayos ang lahat.

"Chill guys!!" Patawa-tawang tinaas ni Trix ang kamay nya bago ilibot ang paningin sa amin. "November month ngayon right?" Tumango tango sya bago magsimula sa paglalaro ang mga daliri nya. May ritmo nya itong tinutuktok sa mesa. "5 months from now ay 22nd birthday na ni Jhea!!" Don't tell me they have planned about that this early?

"April 3 of four years ago is the exact day we have her. Iyon ang unang araw na nagkaroon ng siraulong babae sa bahay!!" Nagsimula silang magtawanan sa sinabi ni Xan. Even others join them, maliban kay Jairah at Jairen na tila napipikon sa tinawag nila kay Jhea. "We treasure that day so much. Para sa amin ay blessing in disguise ang araw na 'yan. Paano ba naman ay halos magmala genius na kami makaisip lang ng paraan para mapalayas sya doon, but thanks god, hindi kami sobrang matalino kaya nanatili sya sa amin. Nanatili sa amin ang isa pala sa pinakamagandang regalong natanggap namin!!" Nakangiti nyang dugtong.

POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon