Xan POV
"Please kung hindi nyo kayang magpanggap, kahit kontrolin nyo lang ang mga galaw nyo!!" Dagdag pa ni Liam. Kanina pa sila ganyang lima, paulit-ulit sila sa pagpapaalala na huwag kaming masyadong maging showy sa inis namin kay Jhea. Napailing nalang kaming dalawa ni Ice.
"Again don't expect anything from me" Sabi ni Ice. Itinaas ko ang dalawang kamay ko para sabihing tulad din ng kay Ice ang desisyon ko.
"Xan can I ask something?" Napalingon ako kay Clyde sa pagtawag nyang 'yon. "What's with you? Bakit ganyan nalang ang galit mo kay Jhea? I can't read you. Naiintindihan ko si Ice. But you? Anong pinanggagalingan mo?" Ngumisi sya. Ngumisi rin ako. Sumandal ako sa upuan ko, I'm ready to tell you the story.
"Bago nyo pa makilala si Mads kilala ko na sya. Bago pa sya dumating sa buhay mo Ice, matagal na syang nasa buhay ko. Kung mahal nyo sya, mas mahal ko sya!!" Tumingala ako at tinusok ang pisngi ko gamit ang dila ko para mapigilan ang luhang nagbabadyang umagos. Ang sarap alalahanin yung mga araw na parehas kaming tumatakbo dahil sa kalokohang ginawa namin, tapos kapag malayo na kami ay sabay kaming titigil at hahalakhak, magsisisihan at magbabatukan sa sariling kabaliwan. "Sya yung lagi kong kinu-kwentong kaibigan kong babae na parang mas maloko pa sa akin hahahahaha!! Di nyo man lang ba nahalata na unang beses pa lang natin syang makasama ay close na kami?" Umiling ako at mapanuyang tumingin sa kanila. Gulat at pagkadismaya ang nakikita kong naramdaman nila.
"Why you didn't tell Xan?"
"Hindi naman kayo nagtatanong eh" Humalakhak ako at tinignan sila. "Wala rin ako sa mood magkwento lalo na at nagkakamabutihan na kayo no'n" Na kay Ice ang tingin ko. "Baka isipan mo pang hay0p ka may gusto ako sa balugang 'yon!!" Pilit kong pinapasaya at pinapatatag ang boses ko, pero luha ko na ang sumuko. Napapahalakhak akong yumuko at pilit pinapatigil ang luha ko.
"I'm sorry I didn't know!" Tinapik tapik pa ni Clyde ang balikat ko.
"Okey lang.. Tang1na kayo nananahimik yung luha ko sa bunbunan ko pinalabas nyo!!" Pagbabasag ko sa kalungkutan na bumalot sa paligid.
"Si Jhea Xan ano sya sayo?" Seryosong tanong ni Bryle. Muli tuloy ay sumeryoso kami.
"Si Jhea? Sya yung pumalit, ah mali! Sya yung humigit sa pwesto ni Madison. Si Jhea yung pangatlong babaeng pinagkatiwalaan ko, pangalawang babaeng minahal ko bilang kapatid at kaibigan!! Si Jhea....." Nag-angat ako ng paningin. Isa isa ko silang nginitian. "Gaya nyo sya ang unang prinsesa sa buhay ko, sya ang unang kahinaan ko, sya ang unang babaeng ni-respeto at pinahalagahan ko ng ganito. Si Jhea lang!!!" Isa-isa silang yumuko, siguro ay gaya ko, maraming alaala din ang biglang umulan sa isip nila. Napatingin ako kay Ice at Daryl, nasa cellphone ang atensyon ni Ice samantalang si Daryl ay nasa akin ang paningin.
BINABASA MO ANG
POISONOUS GANG (BW8G Sequel) -COMPLETED
Teen Fiction"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mamatay doon kesa mamatay ng ganito!!"